
Sa patuloy na pakikipaglaban ng lokal na pamahalaan sa gitna ng banta ng CoVID-19, patuloy rin ang puspusang serbisyo na ibinibigay ng City Incident Management Team upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Sa pagsasailalim sa siyudad ng San Fernando, La Union sa Community Quarantine mula Marso 2020, walang humpay ang mga tauhan ng IMT sa pagsagot ng mga katanungan ng mga mamamayan, pagbigay ng kanilang pangangailangan at pagsiguro na sinusunod ang mga panuntunan na alinsunod sa mga national at lokal na direktiba.
MAS PINAIGTING NA OPERASYON SA PAGPAPATUPAD NG ECQ GUIDELINES
Araw-araw naglilibot ang City IMT sa mga barangay ng siyudad upang ipatupad ang ECQ Guidelines lalong-lalo na sa pagpapaalala sa bawat residente ng istriktong pag-sunod sa home quarantine protocols.
Pagsapit naman ng gabi ay nagsasagawa sila ng Oplan Sita. Sa hakbang na ito ay tinitiyak nila na ang lahat ng mga residente ay nasa loob na ng kani-kanilang mga tahanan at sinisugurong sarado na lahat ng tindahan o sari-sari stores mula 6:00PM.
Hindi naman sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa City Philippine National Police (PNP) na siyang nangangasiwa sa pagbabantay ng Checkpoint, Border, at Quarantine Control Points ng siyudad at sa PNP Maritime na siya namang nangangasiwa sa coastal patrol operations.
PATULOY NA PAG MONITOR SA MGA BARANGAY NA NASAILALIM SA HEIGHTENED COMMUNITY QUARANTINE (HCQ)
Sa biglang pagdami ng kaso ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19, ay ilan sa mga barangay sa siyudad ang isinailalim sa Heightened Community Quarantine (HCQ). Ang lahat ng mga residente sa mga barangay na ito ay hindi pinapayagang lumabas kung kaya’t patuloy ang monitoring ng IMT kasama ang PNP at mga opisyal at volunteers ng mga barangay.
Sila din ay nakikipag-ugnayan sa mga departamento ng lokal na pamahalaan ng San Fernando upang masiguro na nakakarating ang mga ayuda na kinakailangan ng mga apektadong pamilya.
Sa kanilang pakikipagtulungan sa City Social Welfare and Development Office (CSWD), Coast Guard, Navy, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Airforce, volunteers, City Employees, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Sangguniang Panlungsod (SP), LU LINK, PNP, Office for Public and Safety (OPS), at General Services Office (GSO) ay maayos na naihahatid ang mga relief packs sa mga tahanan ng bawat pamilya.
PAGTUGON SA MGA PANGANGAILANGAN NG ATING HEALTH WORKERS AT FRONTLINERS
Upang mabigyan naman ng proteksyon ang ating mga magigiting na health workers at frontliners na walang humpay na naglilingkod sa ating mga mamamayan, sinisuguro ng lokal na pamahaalan na sapat ang bilang ng Personal Protective Equipment (PPEs) na ibinibigay sa kanila.
Ayon sa City IMT, na siyang central managing unit ng mga kinakailangang gamit sa pang-araw-araw na operasyon, humigit kumulang 22,574 na ang naipamahaging PPEs sa mga health workers sa iba’t-ibang ospital sa ating siyudad.
Patuloy rin na nagbibigay ng supply sa City Health Office (CHO) ang lokal na pamahalaan na may kabuuang bilang ng 12,126 PPEs hanggang sa buwang kasalukuyan. May kabuuang bilang naman na 9,616 hygiene kits ang naipamahagi sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno, hospitals at city frontliners at volunteers bilang dagdag proteksyon.
Bukod sa pag-donate ng mga PPEs ay sinisiguro ng IMT na nabibigyan ng sapat na pagkain ng ating mga frontliners. Araw-araw silang namamahagi ng pagkain na mula sa Kusina ng Kalinga. Ito ay naipapamahagi sa mga nagbabantay ng Checkpoint, Border, at Quarantine Control Points at mga volunteers na nangangasiwa sa pagbabantay ng Isolation at Quarantine Facilities ng siyudad.
Sa pagnanais na masigurong maayos ang serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga kaso sa siyudad, kasalukuyang inaayos at pinuproseso ng City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) Office ang pagbili ng mga karagdagang supply na mga PPEs at kagamitan na gagamitin sa araw-araw na operasyon ng mga health at frontline workers.
Saludo kami sa serbisyong ibinibigay ng City Incident Management Team at sa kanilang dedikasyon upang mapaglingkuran hindi lamang ang ating siyudad, pati na rin ang ating bayan. Saludo rin ang lokal na pamahalaan ng San Fernando sa lahat ng mga health workers at frontliners na isinasakripisyo ang kanilang oras para sa komunidad.
Ang lokal na pamahalaan ng San Fernando ay hindi tumitigil sa pagsasagawa ng mga aksyon alang-ala sa kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan. Naniniwala ang City Government na malagpasan natin ang hamon na ito sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at pagmamalasakit sa ating kapwa.
Patuloy na uusbong ang pag-asa sa ating pagba-bayanihan. Ang lahat ng ito ay para sayo, para sa inyo, dahil #SanFernandoAyAyatenKa.
(Kwento ni: Shairalene Guerrero)
(Litrato ni: Adrian Sebastian)
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS