Serbisyong MAY MALASAKIT, hatid sa mga residente ng Barangay Sacyud at Tanqui
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo-publiko direkta sa tahanan ng mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng programang Umay Mangted Iti Sungbat (UMISU) nitong mga buwan ng Setyembre at Oktubre 2026.
Dinala ang libreng serbisyo ng pamahalaan sa 92 residente mula sa mga Barangay Tanqui at Sacyud sa pangunguna ng Task Force UMISU.
Iniabot sa mga residente ang tulong medikal tulad ng libreng konsultasyon at gamot, bigas, groceries, at hygiene kits.
Dagdag pa rito, tinulungan din sa pagproseso ang mga residenteng nangangailangan ng Persons with Disability ID, National ID, at birth certificate.
Samantala, naka-schedule naman ang ilang residente na kinakailangang sumailalim sa blood chemistry.
Nakatakda ring bumisita ang Task Force sa iba pang mga barangay sa mga susunod na araw upang matiyak na ang serbisyo-publiko ay aabot sa bawat tahanang lubos na nangangailangan.
Maidanon iti serbisyo nga para kadakayo, kakabsat. Pagtinnulungantayo ti pinangpasayaat iti kasasaad ti tunggal maysa ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.





















































RECENT POSTS

Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Suportado ng Lungsod ang mas malusog na mga Batang San Fernando

Subok ang talas at tatag ng Barangay Responders sa Grand Rescue Olympics 2026

Libreng serbisyo, iniabot sa 68 benepisyaryo sa Barangay Sevilla

Young Entrepreneur Summit 2026: Pinalawak ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo
