SIMULATION NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN, SINIMULAN NA

Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase, sinimulan ang simulation ng limited face-to-face classes sa mga mag-aaral ng Senior High School sa limang pampublikong paaralan dito sa City of San Fernando [nitong Marso 7, 2022.

Kabilang sa mga paaralang lumahok sa simulation ang La Union National High School (LUNHS), Nagyubuyuban Integrated School, Bangbangolan National High School, LUNHS – Sacyud Annex, Pao National High School (PNHS) at ang Dr. Quintin Balcita Sr. National High School.

Ayon kay Mrs. Brenda Sabado, Principal ng LUNHS, tanging Grade 11 at 12 ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) at Technical-Vocational-Livelihood (TVL) strands lamang ang kasama sa simulation at nahati sila sa dalawang grupo ng pang-umaga at hapon.

Bumisita rin ang mga kawani ng Schools Division Office upang suriin ang mga paaralang ito at masigurong sinusunod nila ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes. Mayroon pang ibang mga paaralang tinitingnan para sa expanded face-to-face classes na bibisitahin din ng School Division Office sa mga susunod na araw.

Sa ating pagsunod sa Minimum Public Health Standards, mapapanatili natin ang kaligtasan ng bawat guro at estudyante sa paaralan. Kasama ang sektor ng edukasyon, tuloy-tuloy na ang ating pagtayo dito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS