SOLID NORTH PARTYLIST, NAGBIGAY NG TULONG SA SIYUDAD NG SAN FERNANDO

Sa pangunguna ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, tinanggap ng City Government of San Fernando, La Union ang donasyon mula sa tanggapan ni Cong. Ching Bernos ng Solid North Partylist bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Emong.

 

Pormal na tinanggap at pinasalamatan ni Manong Dong sa isinagawang  turn-over ceremony ang mga kinatawan ng Solid North Partylist na sina Luzan Ortega-Valero, Andrea Tablan-Loriaga, at Jayson Jay “Boss Toyo” Luzadas. 

 

Ilan sa mga ipinagkaloob na donasyon ay mga de-lata, tubig, noodles, kape, loaf bread, palaman, at bigas.

 

Samantala, naroon rin sa turn-over ceremony si City Social and Welfare Development Officer Rosenda A. Liwanag na siyang mangagasiwa sa repacking ng mga donasyon.

 

Maraming salamat Solid North Partylist! 

Lubos naming hinahangan ang inyong malasakit sa pagbangon ng #PeoplesCity of #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS