STALL OWNERS, MARKET VENDORS, MULING NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Nakatanggap muli ng tulong pinansyal mula sa City Government ang 666 actual affected occupants na biktima ng insidente sa Auxiliary Wet Market ng siyudad nitong Pebrero sa Barangay Hall ng Poro, City of San Fernando, La Union.

Sa pangunguna ng City Treasury Office, ibinahagi ang tulong pinansyal sa mga naturang benepisyaryo habang nakaagapay rin sa mga proseso ang City Social Welfare Development Office (CSWDO) at mga Department Heads ng bawat opisina sa City Hall.

Nakaantabay naman ang City Office for Public Safety at kapulisan ng San Fernando Police Station upang masiguro ang kaligtasan at crowd control sa ginanap na aktibidad.

Dagdag pa rito, nagbahagi rin ng libreng medical check-up at mga gamot ang City Health Office sa mga benepisyaryo.

Samantala, ipinaalala ng CSWDO na ang mga apektadong occupants na may mahigit PhP 16,000 declared loss lamang ang nakatanggap ng financial assistance mula sa City Government bilang dagdag sa financial assistance na ibinahagi ng opisina ni First District Representative Hon. Francisco Paolo P. Ortega V at Senator Imee Marcos upang matumbasan ang halaga ng mga nawalang ari-arian.

Kakabsat, ipagpatuloy natin ang pagbahagi ng tulong at pagbabayanihan dito sa ating siyudad. Nawa’y ipakita natin ang ating malasakit sa kapwa upang matulungan natin sila sa kanilang pag-unlad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS