STATE OF THE CITY ADDRESS, IPINAKITA ANG KALAGAYAN NG SIYUDAD SA NAKALIPAS NA TAON

Ibinahagi ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto sa kanyang State of the City Address (SOCA) ang mga natupad na programa, proyekto, aktibidad ng City Government sa nakalipas na taon, na ginanap sa Vista la Vita, Brgy. San Vicente, kahapon, Pebrero 5, 2024.

Iprinisinta rin nito ang kinakaharap ng siyudad sa kasalukuyan at mga plano ng administrasyon upang matugunan pa lalo ang mga kailangan ng bawat sektor sa siyudad.

Binuksan ang espesyal na sesyon ng presiding officer na si Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega, kasama rin ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Hon. Kyle Marie Eufrosito Y. Nisce, Hon. Pablo C. Ortega, Hon. Lucia Esperanza O. Valero, Hon. Jonathan Justo Orros, Hon. Edwin H. Yumul, Hon. Rodolfo M. Abat, Hon. Aldrine R. Jucar, Hon. Arnel A. Almazan, Hon. John H. Orros, at Hon. Mark Anthony A. Ducusin.

Espesyal na bisita rin sa okasyon ang mga delegado mula sa sister city ng lungsod na Ansan City, Republic of Korea na pinamumunuan ni Chief Secretary Mr. Kyung-Dal Dong.

Dumalo rin sa pagtitipon si Governor Hon. Raphaelle Veronica Ortega-David, Vice Governor Hon. Mario Eduardo, 1st District Congressman Hon. Francisco Paolo P. Ortega V na nirepresinta ni Dr. Ramon B. Torres, Liga ng mga Barangay President Hon. Ramon Guio Ortega, Jr., at Sangguniang Kabataan President Hon. Kirk Andrew Agulan.

Naroon rin sina CLGOO Ms. Lily Ann Colisao ng City Department of the Interior and Local Government, City Government Department Heads na pinamumunuan ni Col. Ramon F. Laudencia, Local People’s Council at mga kinatawan mula sa partner national agencies, at iba pang public servants.

Nagkaroon rin ng maikling press conference kasama ang local media partners matapos ang SOCA.

Marami man tayong pinagdaanan sa nakalipas na taon, mas patatatagin pa natin ang serbisyong hatid natin sa bawat Fernandos tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS