Subok ang talas at tatag ng Barangay Responders sa Grand Rescue Olympics 2026
Muling pinatunayan ng mga Barangay First Responders ang kanilang kahandaan, bilis, at katatagan sa harap ng iba’t ibang emergency situations sa Grand Rescue Olympics na ginanap sa F. Ortega Highway at Gomez Street noong Oktubre 23, 2026.
May 10 stations sa naturang aktibidad na sumubok sa kakayahan ng 88 responders mula sa 11 districts ng lungsod pagdating sa mabilis na pagresponde, pagbibigay ng first aid, at pagpapakita ng tunay na diwa ng pakikipagbayanihan.
Matapos ang maigting na kompetisyon, itinanghal ang mga sumusunod na distrito bilang kampeon ngayong taon:
🥇 Champion: District XII (Plaque of Recognition + ₱50,000.00 cash prize)
🥈 1st Runner-up: District IV (Plaque of Recognition + ₱35,000.00 cash prize)
🥉 2nd Runner-up: District VI (Plaque of Recognition + ₱20,000.00 cash prize)
🏅 Consolation Prizes: Districts I, III, V, VII, IX, X, at XI (₱4,000.00 cash prize bawat isa)
Bukod dito, nagwagi rin ng hiwalay na ₱15,000.00 cash prize ang mga nanguna sa ginanap na Per District Mini Rescue Olympics.
Bilang pagkilala at pagsuporta sa kanilang paglilingkod sa publiko, pinagkalooban din ang lahat ng lumahok ng mga mahahalagang kagamitan kabilang ang visibility vests, hard hats, at first aid kits upang masigurong ligtas sila sa kanilang mga operasyon.
Tampok din sa aktibidad na ito ang mga Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) activities booth katulad ng bulletin display, DRRM orientation, extrication, High Angle Search and Rescue, at Fire Safety.
Samantala, dumalo rin sa aktibidad upang magpakita ng suporta sina Manong Dong Gualberto, City Councilor Hon. Ramon F. Laudencia bilang kinatawan ng Opisina ng Bise Mayor at Sangguniang Panlungsod, at Liga ng mga Barangay President Hon. Ramon Guio A. Ortega.
Kayang-kaya latta dagiti barangay responders tayo nga tumulong tunggal panawen ti panagkasapulan ditoy #PeoplesCity iti #SanFernandoTayo.













































RECENT POSTS

Serbisyong hatid sa mga residente ng Barangay Sacyud at Tanqui

Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Suportado ng Lungsod ang mas malusog na mga Batang San Fernando

Libreng serbisyo, iniabot sa 68 benepisyaryo sa Barangay Sevilla

Young Entrepreneur Summit 2026: Pinalawak ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo
