Suhestiyon ken kasapulan ti Barangay Saoay, naiparang iti Town Hall Meeting
Direktang ipinarating ng 107 residente ng Barangay Saoay ang iba’t ibang pangangailangan, hinaing, at suhestiyon sa isinagawang Town Hall Meeting ng Pamahalaang Lungsod sa kanilang barangay noong Setyembre 22, 2026.
Isa sa mga usapin na ipinaabot ng mga residente ay ang pag-aasikaso ng Persons with Disability ID para sa mga bedridden na kamag-anak. Kaugnay nito, hiniling nila ang posibilidad ng house visit para sa mga hindi makapupunta sa tanggapan.
Bukod pa rito, humiling din sila ng karagdagang street lights sa mga bahagi ng barangay na madalas daanan ng mga motorista.
Tinalakay din ang mga usapin sa komunidad, kabilang ang farm-to-market roads, solid waste management, vehicle parking, health and veterinary concerns, at mga panukalang infrastructure projects ng barangay. Kasabay nito, itinala naman ng Pamahalaang Lungsod ang mga nabanggit sa suhestiyon para sa assessment, inspection, verification, at mga nararapat na hakbang.
Dagdag pa rito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas madaling paraan para makipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod. Ipinakilala sa mga residente ang Electronic Participation System o ePs, isang online platform ng #PeoplesCity kung saan maaaring magpadala ng feedback, request, o suhestiyon at maiugnay ang mga ito sa tamang tanggapan para sa kaukulang aksyon.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Agricultural and Biosystems Engineering Office, City Public Information Office, Local Economic and Business Development Office, City Health Office, City Environment and Natural Resources Office, City Engineering Office, at Veterinary Office, kasama ang Philippine National Police upang magbigay ng impormasyon, paglilinaw, at tugon sa mga usaping inilahad ng mga residente.
Iparangtayo ti concern ken ibaga ti suhestiyon iti komunidad ket aramiden tayo ti kabaelan tayo tapno madengngeg ti kasapulan ti amin nga umili ditoy #SanFernandoTayo.














RECENT POSTS

Balligi para iti panangitandudo iti agpapada a karbengan ken panagkaykaysa

Panagkakaysa para iti nadalus ken natalged nga baybay tayo

Panagpasayaat ti biag dagiti pamilya ken ububbing ti San Fernando

Nabigbig manen a Top 10 Awardee iti SK Awards 2026 iti siyudad ti San Fernando

Naidanon dagiti agduduma nga serbisyo ti gobyerno kadagiti babbalay ditoy siyudad ti San Fernando
