CITY AGRICULTURIST'S OFFICE, NAKIISA SA IBANG AHENSYA NG GOBYERNO UPANG ISAGAWA ANG "SERBISYO PARA KAY JUAN AT JUANA"
Sa pangunguna ng City Agriculturist’s Office at iba pang ahensya ng gobyerno, isinagawa ang “Serbisyo para kay Juan at Juana” bilang parte ng selebrasyon ng Women’s Month sa Lion’s Park nitong ika-18 ng Marso, 2026.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kababaihang magsasaka, gayundin ng lahat ng rehistradong magsasaka at mangingisda sa lungsod.
Pinangunahan ng mga kawani at empleyado ng Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO1) ang paghahatid ng iba’t ibang serbisyong agrikultural na layong suportahan ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lokal na komunidad.
Kabilang sa mga serbisyong libreng ipinagkaloob ay ang free consultation mula sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga magsasaka na magtanong ukol sa kalusugan ng kanilang mga alagang hayop. Nagbahagi rin ang tanggapan ng mga brochures at flyers na may mahahalagang impormasyon sa pangangalaga ng hayop.
Nagbigay rin ng libreng serbisyo ang Regional Crop Protection Center (RCPC), kabilang ang provision of Biological Control Agents (BCAs) at free plant pest diagnosis at consultation upang matulungan ang mga magsasaka na mapanatili ang kalusugan ng kanilang mga pananim at maagapan ang mga peste at sakit.
Samantala, naghandog ang Regional Feed Chemical Analysis Laboratory (RFCAL) ng libreng pagsusuri gaya ng Moisture Content Analysis, Aflatoxin Analysis, at Rapid Bioassay for Pesticide Residues (RBPR) para sa mga produktong agrikultural.
Nagkaloob din ang Regional Soils Laboratory (RSL) ng free soil analysis at soil nutrient management consultation na makatutulong sa mga magsasaka upang mas mapabuti ang kalidad ng kanilang lupa at ani.
Bukod dito, isinagawa rin ang pagpaparehistro at pag-update ng mga magsasaka at mangingisda sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) pati na ang pagpaparehistro sa Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS) upang higit na mapalakas ang kanilang akses sa mga programa at benepisyo ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, muling pinatunayan ng City Government at mga ka-alyadonmg ahensya ang kanilang patuloy na pagsuporta sa kapakanan at kaunlaran ng mga magsasaka at mangingisda dito sa ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.









RECENT POSTS

CGSFLU JOINS PREPARATION OF TOURISM ACTIVITIES FOR THE ARRIVAL OF LE SOLÉAL OF COMPAGNIE DU PONANT

CGSFLU BOOSTS READING EFFICIENCY AMONG CHILDREN THROUGH LETRA

CGSFLU HOLDS PAYOUT OF SUBSIDY FOR SOLO PARENTS, INTRODUCES iSOPORTCA

CGSFLU REINTEGRATES VAGRANT PERSON WITH DISABILITY TO FAMILY

CGSFLU LAUNCHES WELLNESS WEEKENDS
