Suportado ng Lungsod ang mas malusog na mga Batang San Fernando
Upang mas mapaigting ang nutrisyon ng mga kabataan, tumanggap ng kabuuang 178 makabagong kagamitan sa kusina ang para sa Supplementary Feeding Program (SFP) ang 48 Child Development Centers ng lungsod noong Oktubre 23, 2026 sa Tanqui CDRRMO Evacuation Center.
Kabilang sa unang batch ng mga ipinamahagi ang 65 LPG cylinders (11 kg), 48 refrigerators, at 65 industrial gas burners na gagamitin sa pagluluto ng mga pagkaing makatutulong sa mabuting nutrisyon ng mga batang San Fernandos at Fernandas.
Ang mga barangay na nakatanggap ng Supplemental Feeding Kitchen Equipment Items ay: Abut, Apaleng, Bacsil, Bangbangolan, Bangcusay, Barangay II, Barangay III, Barangay IV, Baraoas, Bato, Biday, Birunget, Cabaroan, Cabarsican, Calabugao, Carlatan, Catbangen, Dalumpinas Este, Dalumpinas Oeste, Ilocanos Norte, Ilocanos Sur, Langcuas, Lingsat, Madayegdeg, Mameltac, Masicong, Nagyubuyuban, Namtutan, Narra Este, Pagdaraoan, Pagudpud, Pao Norte, Pao Sur, Parian, Pias, Puspus, Sacyud, Sagayad, Santiago Norte, Santiago Sur, Saoay, Sevilla, Tanqui, at Tanquigan.
Samantala, dumalo sa turnover si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto, kasama si City Social Welfare and Development (CSWD) Officer Rosenda A. Liwanag. Dumalo rin sa pagtitipon ang iba’t ibang Punong Barangay at ang mga dedikadong Child Development Teachers at Workers na siyang tuwirang magpapatakbo ng programa sa kanilang mga komunidad.
Kasabay ng pamamahagi, nagsagawa rin ng orientation ang CSWD Office tungkol sa SFP, na pinangunahan ni Anna Dominique Alsong, Social Welfare Officer II, ukol sa tamang pag-iingat at paggamit ng mga supplies, pati na rin ang papel ng mga barangay sa programa.
Suportado ang inisyatibang ito sa pambansang programa ng Department of Social Welfare and Development at sa Early Childhood Care and Development Program ng Pamahalaang Lungsod. Ayon sa Pamahalaang Lungsod, may susunod pang ipagkakaloob na mga kagamitan sa kusina para sa mga Barangay Child Development Centers bilang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa implementasyon ng SFP.
Ipateg tayo ti salun-at dagiti ubbing para iti nasaysayaat a masakbayanda ditoy #PeoplesCity ti #SanFernandoTayo.

























RECENT POSTS

Serbisyong hatid sa mga residente ng Barangay Sacyud at Tanqui

Kahilingan ng Barangay Sacyud, Susuriin ng Pamahalaang Lungsod

Subok ang talas at tatag ng Barangay Responders sa Grand Rescue Olympics 2026

Libreng serbisyo, iniabot sa 68 benepisyaryo sa Barangay Sevilla

Young Entrepreneur Summit 2026: Pinalawak ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo
