TASK FORCE AGASM, MEDICAL EXPERTS, NAGPULONG PARA SA RE-CLASSIFICATION NG COMMUNITY QUARANTINE STATUS NG LUNGSOD

TASK FORCE AGASM, MEDICAL EXPERTS, NAGPULONG PARA SA RE-CLASSIFICATION NG COMMUNITY QUARANTINE STATUS NG LUNGSOD

Sa pangunguna ni Acting City Mayor Alf Ortega, nagpulong ang mga miyembro ng Agsangkamaysa A Gunglo Nga Aywanan Ti Sak-Sakit Nga Makaalis (AGASM) o City Inter-Agency Task Force (IATF) ng lokal na pamahalaan kasama ang mga health at medical experts mula sa iba’t-ibang ospital ng lungsod upang talakayin at matugunan ang biglaang pagtaas ng kaso ng CoViD-19 active cases sa lungsod ng San Fernando, La Union kahapon, ika-6 ng Abril 2021.

π—–π—’π—©π—œπ——-𝟭𝟡 π—¨π—£π——π—”π—§π—˜

Sa nasabing pagpupulong, ipinakita ni Dr. Mary Marjorie Rodavia ng City Health Office ang datos ng aktibong kaso ng CoViD-19 sa siyudad. Binigyan pansin nito ang naitalang pinakamataas na kaso ng CoViD-19 noong ika-31 ng Marso 2021, na umabot sa 53 kaso ng CoViD-19 sa loob lamang ng isang araw.

π—›π—’π—¦π—£π—œπ—§π—”π—Ÿ π—–π—”π—£π—”π—–π—œπ—§π—¬

Ang talakayan ay sinundan naman ng pagbibigay ng update ng mga medical professionals mula sa iba’t-ibang ospital ng lungsod tungkol sa kasalukuyang estado ng kani-kanilang isolation rooms at kapasidad ng ospital sa pagtanggap ng mga pasyenteng may kaso ng CoViD-19.

Β Ayon kay Dr. Marvin Munar mula sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), nasa 74% bed capacity na ang ITRMC para sa mga pasyenteng may CoViD-19. β€œCurrently, we have allotted 135 beds for CoViD-19 and we are currently at 101 out of 135 dedicated beds and we are at 74%.”

Ayon naman sa representative ng Lorma Medical Hospital, malapit nang umabot sa full capacity ang kanilang CoViD-19 isolation rooms. β€œFor Lorma Medical Center, our registered beds for CoViD is 40, as of now we have already reached 38 patients for the isolation, most probably we might be at full today.”

Samantala, fully occupied na rin ang apat na isolation rooms ng La Union Medical and Diagnosis Center (LUMED). Kasalukuyan naman ang construction ng Bethany Hospital para sa isa pang pasilidad upang sa gayon ay makatulong sila sa pagtanggap ng CoViD-19 patients. Ang nasabing ospital ay mayroong walong (8) dedicated beds for CoViD-19 patients ngunit okupado na rin ito pati na ang kanilang mga intensive care units.

π—–π—’π— π— π—¨π—‘π—œπ—§π—¬ 𝗀𝗨𝗔π—₯π—”π—‘π—§π—œπ—‘π—˜ π—₯π—˜-π—–π—Ÿπ—”π—¦π—¦π—œπ—™π—œπ—–π—”π—§π—œπ—’π—‘

Β Ayon naman kay Julie Ann Hipona, City Disaster and Risk Reduction Management Officer, nirekumenda ng Provincial Government of La Union (PGLU) sa Regional IATF ang paglalagay sa lungsod ng San Fernando, La Union sa β€˜higher community quarantine status.’ Ang mga health at medical experts naman ay sumang-ayon sa rekumendasyong ito upang makatulong sa pagbaba sa bilang ng mga kaso sa pamamagitan ng paglimita sa galaw ng mga tao at upang matulunganan ang ating mga health frontliners.

Dalawampu’t tatlo (23) naman mula sa dumalo sa nasabing pagpupulong ang pumayag sa nasabing rekumendasyon.

π—žπ—”π—›π—”π—‘π——π—”π—”π—‘ 𝗔𝗧 π—§π—¨π—šπ—’π—‘ π—‘π—š π—Ÿπ—’π—žπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ Handa naman ang lokal na pamahalaan ng San Fernando sa pagtugon ng pangangailangan ng mga residente sa oras na maaprubahan ng Regional IATF ang rekumendasyon ng PGLU. Nakapaglaan na ng pondo ang City Government para sa pagsasagawa ng relief operations.

Handa na rin ang free transport shuttle para sa mga frontliners at health workers na nagtratrabaho sa lungsod.

π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga health workers, plano ng lokal na pamahalaan na magtalaga ng β€˜Home for the Frontliners’ o pansamantalang tirahan para sa kanila upang ma-protektahan ang kanilang mga pamilya laban sa CoViD-19.

Ang City Government of San Fernando ay magsasagawa rin ng Family CoViD-19 Response Plan na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang bawat Pamilyang San Fernando sa mga pangunahing hakbang na dapat sundin sakaling isa sa miyembro ng kanilang mga pamilya ay carrier ng nasabing virus.

Ang ating mga frontliners ang siyang nagsisilbing depensa ng ating bayan laban sa CoViD-19. Sa mga oras na ito, kinakailangan nila ang bawat sa atin.

Patuloy nating ipakita ang pagmamalasakit para sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga minimum health standards na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan.

Hinihingi ng City Government ang kooperasyon, pang-unawa at disiplina ng mga mamamayang San Fernando. Bigyan natin ng oras na makapag-pahinga ang ating mga bayani, bigyan natin ng oras na makapiling ang kani-kanilang mga pamilya na nagsisilbi nilang lakas sa pag-aalay ng kanilang serbisyo para sa bayan.

Sa mga oras na patuloy na sinusubok ang ating lungsod sa CoViD-19, naniniwala ang lokal na pamahalaan na malalagpasan natin ito kung mananaig ang pagkakaisa at pagtututulungan. Patuloy sanang manaig ang diwa ng bayanihan at lagi nating ipakita na #SanFernandoAyAyatenKa.

RECENT POSTS