TASK FORCE UMISU, MULING NAGBABALIK UPANG MAS MARAMING BARANGAY ANG MATULUNGAN

Sa muling pagbabalik ng Task Force Umay Mangted iti Sungbat o UMISU, plano nitong mas maraming barangay ang mapuntahan at mas maraming residente ang matulungan ngayong taon. Pinakauna nilang binisita ang Barangay Cabaroan kung saan 62 indibidwal ang kanilang nabigyan ng tulong.
Pangunahing layunin ng Task Force UMISU ang magbigay ng tulong medikal sa mga matatanda, may kapansanan, may sakit, at iba pang nangangailangan nito. Dagdag rin dito ang naibabahagi na libreng gamot, food packs, dental kits, at butong maaaring maipunla sa kani-kanilang kabahayan.
Sa tulong ng iba’t ibang kinatawan ng mga opisina ng City Government of San Fernando mula sa Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, at City Agriculture kasama rin ang Barangay Health Workers, naipagpapatuloy ang misyong makapaghatid ng tulong at serbisyo saan man sila naroon.
Kakabsat, patuloy nating payayabungin ang programang ito ng siyudad para sa pagkamit natin ng inklusibong siyudad kung saan tayo ay sabay-sabay at pantay-pantay na aangat dito sa #SanFernandoTayo!







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS