TASK FORCE UMISU, NAGBIGAY NG TULONG 103 RESIDENTE NG BARANGAY CALABUGAO AT BUNGRO

Sa pagpapatuloy ng Umay Mangted Iti Sungbat (UMISU) Program sa siyudad ng San Fernando, La Union, nagtungo ang Task Force UMISU sa Barangay Calabugao at Barangay Bungro upang iabot ang serbisyo-publiko sa kani-kanilang mga tahanan.

May kabuoang bilang na 103 pasyente ang napamahagian ng Task Force UMISU ng mga libreng gamot, medical check-up, food packs, hygiene at dental kits, at bigas sa naturang barangay.

Bukod dito, binigyan din ng assistive devices at blood chemistry test ang mga residenteng nangangailangan ng mga ito.

Kakabsat, patuloy pa rin ang City Government sa pagdala ng tulong, lalo na sa mga nangangailangan. Nawa’y sa ating pagtutulungan, maabot natin ang sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS