TASK FORCE UMISU, NAGHATID NG TULONG SA CATBANGEN

Nitong Nobyembre 12, 2021, bumisita ang Task Force UMISU o Umay Mangted iti Sungbat sa Barangay Catbangen upang magbigay ng tulong sa kakabsat nating matatanda at may sakit.
Nagbigay ng check-ups ang doktor at mga nurse mula sa Task Force sa 60 na pasyente mula sa Purok 1, 2, at 3. May social worker din mula sa City Government na nag-asikaso sa posibleng matanggap na social pension ng senior citizens.
Bukod sa nabanggit na mga serbisyo, nakapagbigay din ng mga gamot at groceries sa mga residente, sa pakikipagtulungan sa barangay officials at barangay health workers na umalalay sa Task Force.
Isang mahalagang proyekto na sinimulan noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni Manong Dong, nilalayon ng Task Force UMISU na ipagpatuloy ang misyon nitong maghatid ng tulong sa’ting kakabsat nasaan man sila sa City of San Fernando. Sa ganitong paraan, inilalapit natin sa kanila ang tugon sa kanilang pangangailangan upang hindi na sila mahirapang magtungo sa’tin.
Hanggang sa mga susunod na buwan, patuloy na bibisita ang Task Force UMISU sa iba pang barangays sa City of San Fernando. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng volunteers at empleyado na nagbibigay ng kanilang serbisyo para sa’ting kakabsat. Sama-sama nating itataguyod ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa rito sa #SanFernandoTayo!









RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS