TASK FORCE UMISU, NAMAHAGI NG TULONG SA BACSIL AT BARANGAY II

Patuloy na sinusuyod ng Task Force Umay Mangted iti Sungbat o UMISU ang mga barangay ng siyudad, kabilang na rito ang Barangay Bacsil at Barangay II kung saan 53 na residente ang kanilang nabigyan ng tulong medikal.
Nabigyan nila ng tulong-medikal ang 30 katao mula sa Barangay Bacsil at 23 indibidwal naman sa Barangay II na kinabibilangan ng mga matatanda, may kapansanan, may sakit, at iba pang nangangailangan nito. Nagbahagi rin sila ng libreng gamot, food packs, dental kits, at butong maaaring maipunla sa kani-kanilang kabahayan.
Naipagpapatuloy ang misyong mailapit ang tulong at serbisyo saan man naroon ang mga Fernando at Fernanda, sa tulong ng iba’t ibang kinatawan ng mga opisina ng City Government of San Fernando mula sa Office of the City Mayor, City Health Office, City Social Welfare and Development, City Engineering, at City Agriculture, kasama na rin ang Barangay Health Workers.
Kakabsat, patuloy nating bibigyang-pansin ang pangangailangan ng bawat residente ng siyudad para sa tuluyan nating pagkamit ng inklusibong pamayanan kung saan walang maiiwan sa sabay-sabay at pantay-pantay nating pag-angat dito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS