
Gumaling na ang COVID Patient 4 na isang 3-month old baby mula sa Barangay Biday. Ngayong araw, ika-20 ng Mayo 2020 ay nakalabas na ang sanggol mula sa City Isolation Facility ng City of San Fernando, La Union.
Si Patient 4 ay na admit noong ika-27 ng Abril, 2020 sa Ilocos Training and Regional Medical Center at siyang nag negatibo sa COVID-19 noong ika-13 ng Mayo, 2020, sa swab na kinuha noong ika-3 ng Mayo, 2020. Ang kanyang swab na kinuha noong May 15, 2020 ay nag-negatibo rin noong May 19, 2020.
Lubos na nagagalak ang pamilya ng sanggol dahil nalampasan nila ang pagsubok na dumaan sa kanilang buhay. Hindi magiging possible ang mga pagkakataong ito kundi dahil sa pagsisikap ng ng ating mga frontliners at sa pagtutulungan ng bawat isa.
Ang pananampalataya sa Poong Maykapal ang siyang naging kanilang sandata sa kabila ng pakikipaglaban ng 3-month old baby mula sa COVID-19.
Patuloy na magtatrabaho ang City Government of San Fernando upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. Panatilihin natin ang ating disiplina at kooperasyon upang hindi na kumalat pa ang pandemic sa ating lungsod.
#BEATCOVID19
Sulat ni: Shairalene Guerrero
Mga litrato ni: Erwin Beleo
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS