TATLONG CENTENARIAN, TUMANGGAP NG CASH GIFT MULA SA CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-100 taon, tumanggap ang tatlong lolo at lola mula sa siyudad ng San Fernando, La Union ng Centenarian Gift mula sa City Government na may halagang Php 100,000.00 at congratulatory letter na naglalaman ng pagbati mula kay Manong Dong.

Noong Hunyo 1, 2023, personal na iniabot nina Manong Dong at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ms. Rosenda A. Liwanag ang centenarian gift kina Lola Magdalena T. Dalilis ng Barangay Langcuas, Lola Apolonia A. Espiritu ng Barangay II, at Lolo Policarpio H. Galvez ng Barangay Pao Norte.

Kasama rin dito sina City Federation of Senior Citizens Association, Inc. (CFSCAI) President Mrs. Natividad Pelaez, Office of the Senior Citizens Association (OSCA) Head Mr. Artemio Valdez, Senior Citizen Center Head Mrs. Gloria Parong, at iba pang kawani ng CSWDO.

Bukod pa rito, makatatanggap rin ng cash gift ang mga centenarian gift mula sa Provincial Government of La Union at Department of Social Welfare and Development. Isang pagbibigay-galang at pagdiriwang sa kanilang mahabang buhay at mahalagang kontribusyon sa ating lipunan ang pagkakaloob natin ng centenarian gift, ayon sa Republic Act 10868 o ang Centenarian Act of 2016.

Congratulations, kakabsat! Isa kayong inspirasyon sa mga kasama niyong senior citizens at centenarians. Nawa’y manatili kayong malusog at ligtas upang makapagbahagi pa ng dunong dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS