TATLONG PAARALAN SA SIYUDAD KINILALA SA GAWAD ALIBTAK

Pinarangalan ng City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Office ang tatlong paaralang nagwagi sa Gawad Alibtak sa kanilang mahalagang kontribusyon sa pagpapatatag ng DRRM sa kanilang paaralan.
Namukod-tangi rito ang Mameltac Elementary School, na tumanggap ng 100,000 worth of DRRM equipment kabilang ang two-way radio, megaphone, search light, head lamp, spineboard, wheelchair, rainboots, raincoats, hard hat, life vest, high visibility reflective vest, goggles, axe, shovel, oxygen with regulator, tent, emergency lights, at aluminum extension ladder.
Samantala, kinilala bilang Top 2 naman ang Bangbangolan Elementary School na nakatanggap ng 75,000 worth of DRRM equipment, habang ang tinanghal namang Top 3 ang Ilocanos Elementary School na nakatanggap ng 50,000 worth of DRRM equipment.
Isang resiliency competition ang Gawad Alisto a Banuar Tan-oc nga Agserbi para ti Kinatalged ken Salakan (ALIBTAK) Award kung saan kinikilala ang mga barangay at paaralan na patuloy ang paglinang at pagpapaigting ng disaster risk reduction and management sa kanilang lugar.
Congratulations, kakabsat!
Mula sa City Government, pinapasalamatan namin ang inyong dedikasyon at pakikiisa sa pagtiyak ng kaligtasan dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS