TINGNAN: PAGPAPAIGTING NG OPLAN SUMVAC SA IBA'T IBANG BARANGAY NG CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION NGAYONG HUWEBES SANTO, IKA-6 NG ABRIL 2023.

Kasalukuyang isinasagawa ang masusing pagsubaybay sa coastal barangays, by-pass road, at iba pang bahagi ng lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng bawat lokal at turistang bumibisita sa ating siyudad.
Sa pangunguna ng Incident Management Team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa epektibong pakikipagtulungan ng Office for Public Safety (OPS), City Health Office (CHO), Barangay Officials and Council, Barangay Health Workers (BHW), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Maritime, Kabalikat, Air Force Reservists, City of San Fernando Lifeguards, at iba pang volunteer groups, agarang naaksyunan ang iba’t ibang pangangailan ng mga sibilyan tulad ng jellyfish sting, heat stroke, at iba pang minor na aksidente.
Isasagawa ang operasyon ng OPLAN SUMVAC mula Huwebes Santo, April 6, 2023 hanggang Lunes, April 10, 2023. Para sa mga hindi inaasahang pangyayari, tumawag o magtext lamang sa CDRRMO hotlines:
📱 09176767673
📱 09285220622
📞619-2437
Mag-ingat ngayong Huwebes Santo, kakabsat! Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagiging alerto para sa mas ligtas na selebrasyon ng Kuwaresma dito sa #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS