TINGNAN: UPANG HIGIT NA MAISAKATUPARAN ANG PARTICIPATORY GOVERNANCE SA SIYUDAD, NAGPULONG ANG LOCAL PEOPLE'S COUNCIL NG CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION AT NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) SA OFFICE OF THE CITY MAYOR CONFERENCE ROOM NOONG ABRIL 24, 2023.

Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang mga tungkulin, responsibilidad, at pagtutulungan sa pagitan ng DILG, Civil Society Organization (CSO) Desk, at People’s Council. Kasama rin dito ang pagtukoy sa mga susunod na hakbang ng organisasyon tungo sa mas pinaigting na participatory governance.
Dumalo sa pagtitipon sina City Local Government Operations Officer (CLGOO) Ms. Lily Ann Colisao, People’s Council Board of Directors sa pangunguna ni Executive Committee Chairperson Mr. Mario Zamoranos, at CSO Desk sa pangunguna ni Mr. Randy Abasolo.
Matapos ang kanilang pagpupulong, bumisita rin sila sa Office of the City Mayor kung saan nagpasalamat at nagpahayag si City Mayor Hermenegildo A. Gualberto ng pagsuporta sa kanilang mga programa sa hinaharap.
Kasama ang People’s Council, palalawakin at pagagandahin pa natin ang publiko serbisyong hatid ng City Government tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay na pag-angat ng lahat dito sa #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS