TINGNAN: UPANG MASIGURO ANG KALIGTASAN SA PAGGUNITA NG #SEMANASANTA2023, ITINAAS ANG RED ALERT STATUS SA LAHAT NG BARANGAY NG CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION NOONG APRIL 3, 2023.

Pinaiigting ng Red Alert Status ang komunikasyon sa pagitan ng Barangay Council at Incident Management Team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa oras ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Nagkaroon din ng operational briefing tungkol sa OPLAN SUMVAC noong ika-4 ng Abril, kung saan mabusisi ring pinag-aralan ni Hon. Hermenegildo A. Gualberto ang plano ng Incident Management Team ng CDRRMO.
Tinalakay sa OPLAN SUMVAC ang pagpapaigting ng kaayusan sa lungsod kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga turista sa baybayin ng San Fernando. Binigyang-diin din ang pagtiyak sa pagsunod ng Minimum Health Protocol laban sa banta ng COVID-19.
Para sa mga hindi inaasahang pangyayari, tumawag o magtext lamang sa CDRRMO hotlines:



Kakabsat, makakaasa kayo na laging handa ang City Government sa anomang pangyayari dito sa ating siyudad. Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagiging alerto para sa mas ligtas na Kuwaresma dito sa #SanFernandoTayo.


RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS