TOWN HALL MEETING, ISINAGAWA KASAMA ANG MGA FERNANDO AT FERNANDA SA DALLANGAYAN ESTE

Upang mapakinggan at makabuo ng karampatang solusyon sa mga isyu at problema ng siyudad, pinangasiwaan ng City Government of San Fernando, La Union ang Town Hall Meeting sa Barangay Dallangayan Este noong Mayo 23, 2023.
Nabigyan ng oportunidad ang mga residente ng siyudad na maibahagi ang nakikita, napapansin, at napagdaraanang suliranin sa ating siyudad sa isang group discussion kasama ang iba pang opisina ng City Government na pinamumunuan ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto.
Kasama sa mga dumalo sina Local Economic and Business Development Officer Ms. Rizalyn Medrano, City Agriculturist Dr. Mary Jane Alcedo, City Veterinarian Dr. Flosie Decena, Engyr. Madeline Tadifa ng Engineering and Architectural Services, mga kinatawan mula sa Special Projects Office, at mga kinatawan ng Barangay Dallangayan Este sa pangunguna ni Hon. Ruben Rivera.
Kakabsat, tungo sa pagkamit natin ng inklusibong #PeoplesCity, patuloy na pakikinggan ng City Government at gagawan ng solusyon ang bawat suliranin ng siyudad para sa mas maayos na #SanFernandoTayo!






RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS