TULONG SA 515 MANGINGISDA, IPINAABOT SA GITNA NG MASAMANG PANAHON
515 rehistradong mangingisda mula sa mga coastal barangay ng Lungsod ng San Fernando ang nakatanggap ng Family Food Packs (FFPs) noong Agosto 12, 2026.
Ang mga benepisyaryo, mula sa mga barangay ng Lingsat, Carlatan, Pagdaraoan, Ilocanos Norte, Ilocanos Sur, Catbangen, Poro, San Agustin, San Francisco, Canaoay, San Vicente, at Pagudpud, ay kinilalang mga rehistradong mangingisdang pangunahing hanapbuhay ang pangingisda base sa datos na nakalap ng City Agriculture Office mula sa kani-kanilang mga barangay.
Hindi nakapaglayag ang mga mangingisda dahil sa masamang kondisyon ng panahon na dulot ng #BagyongLuis, #BagyongMaymay, at Hanging Habagat, na nakaapekto sa kanilang regular na pangingisda at kabuhayan.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng FFPs, naipaabot ang agarang tulong sa mga mangingisdang naapektuhan ng kondisyon ng panahon at pansamantalang hindi nakapaghanapbuhay sa laot.
Kakabsat, matapos ang lahat ng inyong ambag sa komunidad, narito rin ang Pamahalaang Lungsod upang umalalay sa inyo sa panahon ng pangangailangan dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.









