V-SAFE CAMPAIGN SA BAWAT BARANGAY

Nagsimula kahapon, June 9, 2021, ang pagtungo ng City Health Office sa bawat barangay upang talakayin kasama ng mga residente ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Kasama ang Corporate Relations Office at Barangay Officials, nagtungo ang CHO sa Barangays I-IV upang hikayatin ang mga kakabsat na magpabakuna.

Sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang kanilang kampanya sa 55 pang mga barangay ng siyudad.

Upang maibsan ang pangamba ng mga residente ukol sa COVID-19 vaccine, sasagutin ng health experts sa nasabing pagbisita ang kanilang mga katanungan.

Habang nagaganap ang pag-uusap kasama ng mga residente, may umiikot ding rekorida o sasakyan upang mag-anunsyo sa buong barangay ng advisories tungkol sa COVID-19 at magbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pagpapabakuna.

Inaasahan ng siyudad ang patuloy na suporta ng lahat sa ating kampanya na #VSafe laban sa COVID-19.

Kung kayo ay parte ng A1-A4 priority groups, maaaring magpa-rehistro para sa bakuna sa: http://vaccine.sanfernandocity.gov.ph/vaccine/profile #SanFernandoTayo

RECENT POSTS