Patuloy ang pagbibigay serbisyo ng mga lingkod bayan mula sa City Health Office (CHO) upang masiguro na agarang nabibigyan ng atensyong medikal ang mga Covid-19 active cases at close contacts sa siyudad.

Last week, nagpunta ang swab testing team ng CHO sa Brgy. Langcuas upang puntahan ang isang 88 anyos na pasyente at ang kaniyang mga kapamilya.

Binubuo ng dalawang medical technologists na sina Lilibeth Valmonte at Michelle Aquino, isang nurse na si Cary Valmonte, at drivers na sina Emilio Galvez at Raymond Galvez, ang swab testing team ng CHO.

Ito ang araw-araw na buhay ng ating mga frontliners dahil sa pandemya. Hindi nalilimit sa ospital o clinic ang kanilang pakikipaglaban. Sila rin ay nagpupunta mismo sa mga barangay upang bigyang tulong at lunas ang ating mga pasyente na naka-home quarantine. Dahil dito, mas nakakapag-abot tayo ng agarang tulong at nasasagot natin ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kasama. Bukod dito, sila rin ay naglilingkod sa mga pasyente na nasa isolation facilities ng siyudad.

Ang ating mga health workers kasama ang iba pang frontliners ay patuloy sa pagtatrabaho at pagsasakripisyo upang sama-sama tayong makakatayo muli. Tulungan natin sila sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsuot ng face mask at face shield, paghugas ng kamay, at pagsasagawa ng social distancing.

Maraming salamat, frontliners!

#SanFernandoTayo

(Photo credit: City Health Office)

RECENT POSTS