X-rays ng vaccinated at unvaccinated covid-19 patients, patunay na gumagana ang bakuna

Ibinahagi ng isang doktor kung gaano ka-epektibo ang COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng pagpapakita ng x-ray results ng mga pasyenteng fully vaccinated at hindi pa nababakunahan.

Ang dalawang pasyenteng fully vaccinated ay nagkaroon lang ng mild to asymptomatic cases ng COVID-19. With their permission, makikita rin na almost normal ang kanilang chest x-ray results, kumpara sa dalawang unvaccinated patients na nagkaroon ng mas malubhang COVID-19 case.

Dagdag pa rito, hindi nahirapang huminga, stable ang vital signs, at normal ang oxygen level sa dugo ng vaccinated patients.

Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na magpabakuna na, anoman ang vaccine brand. Iba-iba man ang bakuna, gagana ang mga ito upang mapigilan ang malubhang epekto ng COVID-19.

Maaari pa ring magkaroon ng COVID-19 kahit vaccinated ngunit dahil sa proteksyong dulot ng vaccine, halos mild symptoms na lang ang mararanasan gaya ng isa sa nabanggit na vaccinated patients. Dahil businessman siya, hindi maiiwasang humarap sa maraming kliyente para sa negosyo ngunit dahil vaccinated, hindi nauwi sa severe COVID-19 ang kaso.

Sa pagpasok ng Delta Variant sa Pilipinas, payo rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa lahat na mas mainam na ang magpabakuna habang maaga.

Sabi niya sa Laging Handa briefing nitong July 24, “We are saying right now that most of these individuals na talagang naapektuhan po nitong Delta Variant sa ibang bansa ay hindi mga bakunado. So, iyan lang po ay nagpapakita na kailangan po natin ang bakuna para tayo ay maprotektahan against severe illness and death.”

Kung kayo ay bahagi ng A1 to A4 priority groups, maaari pa rin kayong magpa-register for vaccination sa inyong barangay focal person o sa online portal: vaccine.sanfernandocity.gov.ph.

Kakabsat, maging handa tayo laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagiging fully vaccinated. Sabay-sabay tayong tumindig laban sa COVID-19 upang balang araw ay makamtan nating muli ang isang ligtas at masaganang #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS