CGSFLU, INALALA ANG KABAYANIHAN NG MGA BETERANO SA ARAW NG KAGITINGAN

Nakiisa ang City Government of San Fernando, La Union (CGSFLU) sa pag-alala sa kabayanihan ng ating mga beterano sa Flag Raising and Wreath Laying Ceremonies ginanap sa harap ng City Hall bilang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan noong April 9, 2025.

 

Bukod sa kawani ng CGSFLU, kasama rin pagdiriwang ang City Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Air Force, Naval Forces Northern Luzon, Coast Guard Station La Union, Bureau of Fire Protection, at Veterans Federation of the Philippines.

 

Matapos ang Flag Raising Ceremony, pinaunlakan ni Ex-Officio Member Hon. Geraldine R. Ortega ang mga dumalo sa programa bilang kinatawan ni City Vice Mayor Hon. Alfredo Pablo R. Ortega.

 

Sinundan naman ito ng wreath laying ceremony sa monumento ni Dr. Jose P. Rizal at Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega bilang simbolo ng pagkilala sa kagitingan at kabayanihang ipinamalas nila para sa ating bansa at sa siyudad ng San Fernando, La Union.

 

Samantala, ibinahagi naman ni City Legal Officer Atty. Maria Nadia Nalinac Gonzales-Pilar ang mensahe ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto at binigyang-diin ang pagkakaroon ng respeto sa mga bayaning nagsakripisyo sa pagkamit ng kalayaang tinatamasa natin ngayon.

Dumalo at nakiisa rin sa naturang programa sina City Councilor Hon. Pablo C. Ortega at Hon. Quintin L. Balcita, Jr.

 

Kaisa ang #PeoplesCity sa pagbibigay-pugay sa ating mga bayani bilang pasasalamat sa kanilang kagitingan para makamit ang kapayapaan dito sa #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS