Alinlangan sa Pagpapabakuna, Layuning Mapababa sa Siyudad

As of May 30, 8608 na ang mga residenteng naka-register sa COVID-19 Vaccine Management System ng City of San Fernando. Nahahati ang listahan sa tatlong priority sectors – frontliners (A1), senior citizens (A2), at may comorbidities (A3). Kabilang sa masterlist na ito ang mga direktang nag-register sa barangay at mga nag-register online.
Sa nasabing 8608, 9% ang frontliners, 85% ang senior citizens, at 6% ang may comorbidities. Parte rin ng pagpapa-register ang pagsagot kung ‘willing’ o ‘not willing’ bang mabakunahan ang residente. Sa kabuuan, 23% ang ‘willing’ habang 77% ang ‘not willing’ na mabakunahan.
Sa kabuuang bilang ng registered frontliners, 77% (575 sa 751) ang ‘not willing’ na mabakunahan habang 80% (5889 sa 7334) naman sa registered seniors ang hindi pa rin ganoon ka-kumbinsidong magpabakuna.
Ayon pa rin sa datos, tanging sector ng may comorbidities ang mukhang positibo ang pagtanggap sa pagpapabakuna. Sa katunayan, 75% (391 sa 523) sa kanila ang nais nang mabakunahan. Kabilang sa sector na ito ang mga residente ng San Fernando na kasalukuyang may ibang sakit. Kaya naman mas vulnerable ang kanilang immune system mula sa viruses gaya ng COVID-19.
Dahil sa pag-aatubiling mabakunahan ng karamihan sa SFC, higit na tinututukan ng siyudad ngayon ang information dissemination tungkol sa mga benepisyo ng pagbabakuna, gaya ng mabilis na pagkamit ng herd immunity, higit na mababang porsyento ng pagkakaroon ng COVID-19, at proteksyon para sa mga nakakasalamuha sa araw-araw gaya ng family members o co-workers.
Magsisimula sa Hunyo 9 (Miyerkules) ang pag-iikot sa bawat barangay ng mga lingkod bayan na kinabibilangan ng City Health Office (CHO) representative, midwife, at barangay health workers (BHW) upang makipag-usap sa mga residente tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna at upang masagot ang mga agam-agam nila.
Bukod sa pag-iikot-ikot sa barangays, may ilan ding ilulunsad na programa sa social media na higit na magpapalaganap ng impormasyon sa pagpapabakuna.
Makikipagtulungan din ang siyudad sa mga miyembro ng media gaya ng radyo at dyaryo para sa malawakang information dissemination drive.
Inaasahan ng siyudad ang suporta ng bawat isa upang sama-sama nating matahak ang landas patungo sa isang mas masigla at mas ligtas na San Fernando City.
Tara, magpabakuna tayo! Kung ikaw ay kasama sa mga priority list, maaaring mag-register dito: http://vaccine.sanfernandocity.gov.ph/vaccine/profile
Let’s V-Safe, San Fernando!
RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS