CHILD DEVELOPMENT WORKERS, SUMAILALIM SA BASIC COMPUTER LITERACY TRAINING

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sumailalim ang Child Development Workers ng City of San Fernando, La Union sa training upang maiangat ang kanilang computer literacy na ginanap sa People’s Hall noong Mayo 3 – 4, 2023.
Nahati sa dalawang batch ng Child Development Workers ang lumahok sa dalawang araw na Basic Computer Literacy Training. Kasama ng CSWDO sa training na ito ang City Information and Communications Technology (CICTO) na tumayo ring trainors ng ating child development workers.
Nagbahagi ng kaalaman nila sina CICTO Department Head Engr. Germie Deang, kasama sina Mr. Kenneth Bruno at Mr. John William Estacio.
Kakabsat, patuloy nating patatatagin ang kaalaman at kasanayan ng bawat isa sa ating siyudad tungo sa sabay-sabay at pantay-pantay nating pag-unlad dito sa #SanFernandoTayo!








RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER DOCUMENTS TO INCOMING PUBLIC OFFICIALS
PAGGUNITA SA IKA-127 TAON ARAW NG KALAYAAN, IDINAOS NG CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO
QUALIFIED CITY OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS RECEIVE FREE NOTARIAL SERVICE
CITY GOVERNMENT DEVELOPS 2026-2031 LDRRMP WITH OCD, NFSTI
CLICKCONEX 2025 DISCUSSES CYBER CHALLENGES, AI INTEGRATION, TALENT DEVELOPMENT