
Mabusisi ang paghahanda ng City Government of San Fernando, La Union sa pagpasok ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa siyudad ng San Fernando simula Hunyo 1, 2020.
Isa sa mga binibigyang pansin ang Transportasyon sa siyudad simula sa Lunes. Dahil dito ay nagkaroon ng pagpupulong ang Transportation Technical Working Group (TWG) sa pangunguna ng Office of the City Mayor at mga representatives mula sa iba’t ibang organisasyon ng jeepney at tricycle drivers at operators sa lungsod noong May 30, 2020 sa Liga ng mga Barangay Hall.
Layunin nito na maipaliwanag ang mga bagong alituntunin na ipapatupad sa mga nasabing pampublikong transportasyon sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula Hunyo 1-15, 2020.
Nagkaisa naman ang Transportation TWG at sinabing sila ay susunod sa mga regulasyon para mapanatiling ligtas ang lungsod laban sa COVID-19.
Patuloy na makikipagugnayan ang inyong City Government of San Fernando, La Union sa iba’t ibang sektor ng ating siyudad para siguraduhing ang inyong pangkalahatang kalusugan ay nasa unahan.
#BEATCOVID19
RECENT POSTS
Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102
Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS