CITY GOVERNMENT, DICT, NAGSAGAWA NG START-UP MAPPING PARA SA SAN FERNANDO, LA UNION

Upang suriin ang sitwasyon ng start-up ecosystem sa siyudad ng San Fernando, La Union, nagsagawa ang Local Economic and Business Development Office (LEBDO) ng Start-up Community and Locale Enhancement Activity kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Computer Training Center, 3rd Floor ng PBOSS Building.
Kabilang sa mga nakibahagi sa aktibidad na ito ang ilang ahensya tulad ng Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Provincial Government of La Union-Office of the Provincial Agriculturist, Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus, Union Christian College, mga pribadong indibidwal, at mga start-up micro, small, and medium enterprise.
Dumalo rin dito si DICT Chief Administrative Officer Ms. Jaemie D. Ruiz-Chua upang magbigay ng mensahe sa mga kalahok. Samantala, ibinahagi naman ni CICTO Department Head Engr. Germie O. Deang ang mensahe ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto para sa proyektong ito.
Inanyayahan din si Mr. Jacinto Asuncion Jr., JazzyPay President at Country Manager ng BetterPay ng ASEAN Fintech Group bilang consultant sa nangyaring diskusyon sa naturang aktibidad.
Kakabsat, ang City Government ay patuloy na mangunguna at makikiisa sa mga lokal na initiyatiba upang makatulong sa pag-angat ng inyong buhay dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.











RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS