Nananatiling prayoridad ng City Government of San Fernando ang mass at expanded testing operations nito bilang isa sa mga pangunahing interbensyon upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng CoViD-19 dito sa lungsod.

Sinimulan ng lokal na pamahalaan ang mass testing sa Barangay San Agustin noong ika-2 ng Agosto 2020 dahil sa pagtatala ng pinakaraming nagpositibo doon. Sa pakikipagtulungan ng Ilocos Traning and Regional Medical Center (ITRMC) at Provincial Government of La Union (PGLU), nakatapos na ng 2,148 o 96.24% ng mga kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay ang sumailalim sa swab test. 46 o 2.06% sa mga sumailalim sa tests ang nagpositibo sa virus.

Sa nakaraang linggo, apat (4) mula sa kabuuang 57 na naitalang kaso ng CoViD-19 sa Barangay San Agustin ang gumaling na. Dalawa mula rito ay pumanaw dahil sa naturang sakit. Samanatalang 49 pang mga pasyente ang kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital at city isolation facilities. Nananatiling nasa isolation facility ang mga nasabing recoveries dahil na rin sa umiiral na total lockdown sa nasabing barangay.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa ng expanded mass testing na sinimulan pa ng City Government noong ika-6 ng Hulyo 2020. Layon ng expanded testing na masuri ang mga kabilang sa anim (6) na high risk sub-groups at frontliners na tinukoy ng CHO. Sa pakikipagtulungan ng ITRMC, umabot na sa 1,670 ang sumailalim sa expanded swab tests na inaasahang madadagdagan pa sa mga susunod na araw dahil sa mga naka-schedule pang mga frontliners. Mula sa bilang na ito, 1,295 ang mga mula sa tinukoy na frontliners at 375 naman ang mga close contacts ng mga nagpositibo sa CoViD-19.

Sa pamamagitan ng Detect-Isolate-Treat method, walang tigil na nagsasagawa ang lokal na pamaahalaan ng mga aksyon upang tuluyang matigil ang pagkalat ng virus at maprotektahan ang mga mamamayan ng lungsod. Ang ating kooperasyon at patuloy na pagsunod sa minimum health standards ay malaking tulong upang maprotektahan natin ang ating mga sarili pati na rin ang ating komunidad. Sa ating aktibong pakikiisa, maipapakita nating #SanFernandoAyayatenKa.

(Kuwento ni Ezia Arela Ibay)

(Litrato ni Adrian Sebastian)

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103