FREE COOKING CLASS, ISINAGAWA PARA SA PWDS, SENIOR CITIZENS, KALIPI MEMBERS, AT BENEPISYARYO NG I-CARE PROJECT

Ginanap ang Negosyong Pangkabuhayan Para sa Kalusugan, isang free cooking class sa Senior Citizens Hall, Barangay Catbangen tampok ang Lokong Kusinero, isang kilalang food content creator na naimbitahang magbahagi ng kanyang kaalaman sa pagluluto.

Nasa mahigit 60 na tao ang nakibahagi sa kaganapan, kabilang na ang mga Persons with Disabilities (PWD), Sangguniang Kabataan (SK), Senior Citizens, mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), mga dating benepisyaryo ng i-CARE Project 2021-2022, at iba pang sektor ng lipunan.

Bukod rito, dumalo rin ang mga kinatawan ng Barangay Catbangen, ilang enthusiasts sa pagluluto mula sa siyudad at sa kalapit na munisipalidad tulad ng Bauang at Naguilian.

Sa pangunguna ng Reach, Inc., isang voluntary non-profit organization, idinaos ang naturang cooking class sa kagustuhang matulungan hindi lang ang mga PWDs kundi pati na rin ang kahit sino mang interesadong pagkakitaan o magluto ng mga budget-friendly at healthy na pagkain.

Ilan sa mga food recipes na itinuro kung paano lutuin ay ang sisig rice bowl, strawberry cheesecake, crispy sota fries, rice box overload at creamy pasta stick.

Huwag tayong matakot manaliksik at sumubok ng mga bagong bagay, kakabsat! Patuloy nating susuportahan ang paglinang ng kakayahan ng bawat Fernando pati sa pagluluto para sa kanilang pagunlad dito sa #PeoplesCity ng #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS