KALAYAAN 2021

Ipinagdiwang ng siyudad ang Araw ng Kalayaan sa isang programang ginanap sa City Hall kaninang umaga.
Nagkaroon ng Wreath Laying Ceremony na kinabilangan ng mga kinatawan mula sa Provincial Government, City Government, Union Masonic Lodge no. 72, at Francisco Isabelo Ortega Masonic Lodge no. 452.
Matapos ang 21 Gun Salute, nagbigay ng mensahe si City Mayor Dong Gualberto. Binigyang-diin niya ang patuloy sanang pag-iingat ng lahat upang makalaya na tayo mula sa pandemyang dulot ng COVID-19 virus.
Nagpaabot din ng mensahe si City Vice Mayor Alf Ortega sa pamamagitan ni City Councilor Chary Nisce.
Dumalo sa programa sina City Councilors Ernesto Rafon, Luzan Ortega-Valero, Arnel Almazan, Rizalde Laudencia, Dr. Quintin Balcita Jr., at Ramon Ortega.
Nakidiwang din ang mga City Department Heads at City Employees sa pamumuno ni City Administrator Atty. Nancy Bilaoen.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang City PNP sa pamumuno ni City Police Chief Pmaj. Benjie Daireu Umalla, ang Philippine Navy na kinatawan ni LTJG John Emmanuel I. Sison, ang Phil. Coastguard sa pamumuno ni Commodore Inocencio C. Rosario, ang Philippine Airforce na kinatawan ni Major Nasaran A. Hayal, ang San Fernando BFP na pinamumunuan ni City Fire Marshall Ferdinand Formacion, ang Union Masonic Lodge no. 70 sa pamumuno ni Worshipful Master Allan Macam, at ang Francisco Isabelo Ortega Masonic Lodge no. 452 sa pamumuno ni Worshipful Master Conrado M. Dolor.
Ngayong Araw ng Kalayaan, sama-sama nating alalahanin ang kabayanihan ng ating mga ninunong nakipaglaban para sa ating kasarinlan.
Bukod dito, alalahanin din natin ang mga sakripisyo ng ating frontliners na siyang ating mga bayani ngayon. Tulungan natin sila sa pamamagitan ng patuloy na pagsunod sa proper health and safety protocols. Ingat, kakabsat! #Kalayaan2021 #SanFernandoTayo
















RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER DOCUMENTS TO INCOMING PUBLIC OFFICIALS
PAGGUNITA SA IKA-127 TAON ARAW NG KALAYAAN, IDINAOS NG CITY GOVERNMENT OF SAN FERNANDO
QUALIFIED CITY OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS RECEIVE FREE NOTARIAL SERVICE
CITY GOVERNMENT DEVELOPS 2026-2031 LDRRMP WITH OCD, NFSTI
CLICKCONEX 2025 DISCUSSES CYBER CHALLENGES, AI INTEGRATION, TALENT DEVELOPMENT