MARKET DEVELOPMENT TECHNICAL WORKING GROUP, NAGPULONG PARA SA PAGSASAAYOS NG NIGHT MARKET

Nagpulong ang Market Development Technical Working Group (TWG) na pinangunahan ni City Mayor Hermenegildo A. Gualberto upang pag-usapan kung paano maisasaayos ang operasyon ng Night Market. Habang isinasagawa ito, inirekomenda ng Market TWG na bigyan sila ng pansamantalang lilipatan bilang konsiderasyon na kaagad din namang inaprubahan ni Manong Dong.
Bukod pa rito, pinag-usapan din ng mga miyembro ng Market TWG ang iba pang isyu ng mga mamimili, nagbebenta, residente, at iba pang mga negosyo na nakapalibot sa Night Market tulad ng permit, taxes, sanitasyon, traffic flow, at iba pang regulasyong kaakibat nito.
Pormal nang isusumite sa Huwebes, January 5, 2023 sa Sangguniang Panlungsod ang rekomendasyon ng Market TWG ukol sa kung saan pansamantalang ililipat ang Night Market habang isinasaayos ang kanilang operasyon at pinal na lokasyon.
Kakabsat, sisiguraduhin ng City Government ang pagkakaroon ng pinabuting operasyon ng Night Market tungo sa ikauunlad ng bawat negosyo at indibidwal dito sa #SanFernandoTayo!



RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS