Patuloy ang malawakang pagresponde ng lokal na pamahalaan ng San Fernando sa pagdami ng kaso ng CoViD-19 sa lungsod at sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nagsimula noong ika-21 ng Hulyo, 2020.

Pinapangasiwaan ng City Health Office (CHO) ang tuloy-tuloy na paggaling ng mga nag-positibo sa virus na inaalagaan sa apat (4) na isolation facilities at dalawang ospital. Sa kasalukuyan, limang (5) pasyente na ang nag-negatibo sa pinakahuling swab test results habang ang iba naman ay nasa stable condition.

Ang mga nasabing pasyente ay dapat dumaan sa mandatory 14-day quarantine at makakuha ng negative result bago sila mairekomendang makabalik sa kani-kanilang tahanan.

Pagtitiyak ng CHO na tinututukan din nila ang mental health ng mga pasyente lalo na ang mga bata at senior citizens.

Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng misting at disinfection na isinasagawa ng City Engineering Office (CEO).

Mula sa koordinasyon ng City Incident Management Team (IMT), at hiling ng mga barangay at mga opisina, sasadyain nila ang mga critical zones na napasailalim sa heightened community quarantine.

Sinisikap din nilang palawakin ang disinfection sa mga government offices at mga pribadong establisyimento sa city business district mula sa regular na operasyon nila sa City Auxillary Wet Market at San Fernando Shopping Mall. Tinitiyak din ng CEO ang kaligtasan ng mga sumasakay sa mga government service vehicles sa pamamagitan ng pag-disinfect ng mga ito araw-araw.

Papangunahan naman ng City Social Welfare and Development (CSWDO) at General Services Office (GSO) ang pamamahagi ng mga relief goods sa lahat ng mga pamilya ng 59 barangays ng lungsod. Kasama dito ang mga apektadong boarders/tenants sa mga paupahan at apartments. Makikipag-ugnayan sila sa mga opisyal ng barangay sa paghahanda ng ipapamahaging ayuda sa mga kabahayan. Pansamantalang gagamitin ang Tanqui Terminal bilang warehouse.

Sinisikap ng City Government of San Fernando ang tuloy-tuloy na pag-alalay sa mga mamayan ng lungsod na apektado sa pagdami ng kaso ng CoViD-19.

Katuwang ang mga empleyado at volunteers, asahan niyong aabutin kayo ng inyong lokal na pamahaalan upang magkakasama nating malampasan ang pagsubok na ito.

#SanFernandoAyAyatenKa

RECENT POSTS


Warning: Undefined array key "cat" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 102

Warning: Undefined array key "tag" in C:\xampp\htdocs\wp-content\plugins\recent-posts-widget-extended\classes\widget.php on line 103