PAMAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA BARANGAY, PATULOY NA PAGLILINGKOD NGAYONG MECQ

Bago pa man ang pagsasailalim ng lungsod ng San Fernando sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay pinaghahandaan na ng City Government, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development (CSWD), ang relief goods na ibinabahagi ngayon sa lahat ng mga residente ng lungsod.
Kasulukuyan nang isinasagawa ang distribution ng mga relief goods sa mga barangay council, na siyang magdidistribute nito sa kani-kanilang mga barangay. May ilang mga barangay na rin na nakatanggap na ng relief goods tulad ng Apaleng, Baraoas, Barangay II, Cabarsican, Calabugao, Masicong, Nagyubuyuban, Pagdalagan, at Puspus.
Target ng lokal na pamahalaan ng San Fernando na maipamahagi ang relief goods sa mahigit 45,000 na pamilya at mahigit 2,000 na mga non-residents na nangungupahan sa lungsod.
Ang bawat Pamilyang San Fernando ay makakatanggap ng 25 kilos na bigas, 1 (500) grams na mongo, 11 canned goods, ½ na kilong sotanghon, ½ na kilong patatas, 1 kilong sayote, 1dosenang itlog, ½ na sibuyas, ¼ na bawang at 1 (475ml) na cooking oil.
Ang mga boarders naman ay makakatanggap ng 10 kilos na bigas, 8 canned goods, 1 sotanghon na 400g, 1/4 kilong mongo, 1/4 kilong patatas, 1/2 kilong sayote, 6 na pirasong itlog, 1/4 kilong onion, 1/8 kilong bawang at 1 (175ml) cooking oil.
Sinisiguro ng CSWDO na sa pagsasagawa ng distribution ay nasusunod ang minimum health protocols at makakaasa ang mga residente na binibigyang prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan. Patuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo lalo na sa panahon ng pandemya dahil #SanFernandoAyAyatenKa







RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS