Presidente ng city federation of senior citizens association, inc., binigyan ng parangal ng pglu

Isa sa sampung ginawaran ng parangal na Naisangsangayan a Nataengan ti Probinsia ti La Union si Natividad Pelaez, presidente ng City Federation of Senior Citizens Association, Inc. (CFSCAI) sa City of San Fernando.
Nitong Oct. 21, iginawad ni Manong Dong ang nasabing parangal kay Lola Natividad upang kilalanin ang pagiging uliran niyang senior citizen sa ating siyudad. Bilang presidente ng CFSCAI, itinaguyod niya ang mga proyekto para sa seniors, bago ang pandemya maging hanggang ngayon.
Sa rekomendasyon ni Provincial Social Welfare and Development Officer Ranilo Ipac at ng Selection Committee, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 1358-2021 na siyang kumikilala sa sampung ulirang seniors mula sa iba’t ibang bahagi ng La Union.
Kasama ni Lola Natividad sa pagiging ulirang senior sina Joven Costales ng Naguilian, Gabriel Sotto ng Bauang, Cecilia Reyes ng Luna, Ma. Minda Fontanilla ng Bacnotan, Teresita Rillera ng Sto. Tomas, Teresita Opeña ng Santol, Felicitas Macazo ng Bangar, Ley Buquing ng Sudipen, at Rogelio Tangalin ng Agoo.
Proud kami sa’yo, Lola Natividad! Isa kayong malaking inspirasyon sa’ting kakabsat ngayong panahon ng pandemya. Marami mang hamon ang kinakaharap ng siyudad, sama-sama nating susuportahan ang isa’t isa para sa pagbangon ng ating mahal na #SanFernandoTayo!




RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS