PRIDE RUN AT ZUMBA PARTY, NAGBIGAY-KULAY SA CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION

Masayang nakiisa ang mahigit 386 na indibidwal sa Pride Run at Zumba Party bilang parte ng pagdiriwang ng Pride Month sa City of San Fernando, La Union na ginanap noong June 8, 2024.
Pinasigla ni Administrative Assistant II Mr. Emil O. Tadiarca ng Gender and Development (GAD) Office ang aktibidad kasama sina City Councilor Hon. Mark Anthony A. Ducusin at Administrative Officer V Dr. Mark Anthony D. Latoja ng City Public Information Office (CPIO) na nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe.
Nagkaroon rin ng warm-up exercise sa pangunguna ni Legislative Officer I Mr. Rolando R. Marquez ng Sangguniang Panlungsod bago opisyal na sinimulan ang Pride Run. Samantala, nakiindak rin ang mga dumalo sa Zumba party sa pangunguna ni Zumba instructor na si Ms. Ely Borromeo.
Binigyang parangal rin ang mga indibidwal na nagsiwagi sa karera na sina:
1st place – Remar Boado
2nd place – Darwin James Cariaga
3rd place – Ramil Bambao Jr.
Kinilala rin ang oldest at youngest delegate kasabay ng iba’t ibang barangay, paaralan, LGBTQIA++, Civil Society Organizations (CSO) at iba pang grupo na may pinakamaraming bilang na kalahok.
Dumalo rin sa selebrasyon sina GAD Focal Point System- Technical Working Group (GFPS-TWG) Chairperson Ms. Maria Theresa M. Navarro, GFPS-TWG Vice Chairperson Ms. Rizalina Cristobal, at GAD Specialist II Ms. Leizel Licayan, na siya ring nagbigay ng closing remarks.
Kakabsat, sama-sama nating ipagmalaki at mahalin ang bawat kulay na sumasagisag sa ating pagkakakilanlan para sa mas inklusibo at pantay na komunidad dito sa ating #PeoplesCity ng #SanFernandoTay












RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS