SAFETY SEAL CERTIFICATION PROGRAM INILULUNSAD NA, MGA ESTABLISYIMENTO HINIHIKAYAT NA MAG-APPLY

Sa ating pagtransition sa new normal, patuloy na pinaiigting ng City Government of San Fernando, La Union ang pagsisiguro na ang City of San Fernando ay safe na safe para sa lahat.

Kaya naman ipinasa na ang Executive Order No. 103-2021 para sa pag-oorganisa ng Safety Seal Inspection and Certification Team alinsunod sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2021-053 at ang Joint Memorandum Circular No. 21-01.

Ang mga nabanggit na MC at JMC ay ang mga guidelines na sinusunod para sa pagpapatupad ng Safety Seal Certification Program.

Ang Safety Seal ay isang certification na nagpapatunay na ang isang establishment ay may compliance sa minimum health standards at gumagamit ng StaySafe.ph o anumang contact tracing tool tulad ng Online Health Declaration Form at Napanam.

Ang Issuing Authority ng Safety Seal ay ang Safety Seal Inspection and Certification Team sa pangunguna ng Local Economic and Business Development Office (LEBDO).

Kabilang din dito ang ibang mga opisina tulad ng City Health Office (CHO), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Office of the City Mayor, Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection.

Hinihikayat ng City Government na mag-apply para sa Safety Seal Certification ang mga business owners para mabigyang kasiguraduhan ang mga consumers at publiko na ang mga establishments ay ligtas para sa kanila.

Sa tulong ng Safety Seal Program, maipagpapatuloy natin ang takbo ng ekonomiya nang walang pangamba sa ating kaligtasan.

Batid ng City Government ang higit na pangangailangan ng mga mamamayan na ipagpatuloy ang kani-kanilang pangkabuhayan sa gitna ng pandemya, kaya naman tayo ay naglulunsad ng mga programa upang isulong ang mas ligtas at mas maayos na mga espasyo para sa bawat isa.

Upang mag-apply para sa Safety Seal, maaari kayong tumawag sa Local Economic and Business Development Office: 687-8100 loc 150.

Sa hangaring ito, kailangan namin kayo, dahil #SanFernandoTayo.

RECENT POSTS