San Fernando, patuloy ang paglapit sa herd immunity ​

As of August 1, nasa 44,500 na ang nabakunahang kakabsat na 18 taong gulang pataas at nasa priority groups ng City of San Fernando, ayon sa DOH COVID-19 Bakuna Center Registry.

Kabilang sa 44,500 ang nabakunahan na healthcare workers at kanilang eligible immediate family members na kasama sa bahay, OFWs for deployment in 4 months, senior citizens, may comorbidities, at workers sa San Fernando na nagtatrabaho sa labas ng bahay.

Kasama rin dito ang nabakunahan sa iba’t ibang vaccination sites bukod pa sa administered by the City Health Office.

Sa 44,500 na nabanggit, 28,058 ang tapos na sa first dose, 11,664 ang tapos na sa ikalawang dose, at nasa 4,778 ang nakakumpleto ng Janssen vaccine.

Herd immunity ang tawag sa pagkakaroon ng immunity o proteksyon laban sa COVID-19 ng karamihan sa isang populasyon. Sa ganitong paraan mabibigyang-proteksyon ang bawat isa, maging ang mga batang hindi pa maaaring bakunahan.

Gamit ang bakuna mula sa COVAX Facility at mula sa vaccine companies na kausap ng National Government, patuloy pa rin ang prioritization sa A1, A2, A3, at A4 ayon na rin sa DOH Memo No. 2021-0259.

Maaari pa ring mag-register for vaccination ang nasabing priority groups sa barangay focal person o sa online portal: vaccine.sanfernandocity.gov.ph.

Sa pagtaas ng bilang ng nababakunahan, higit din na tumataas ang tiyansa nating mas maging ligtas kontra COVID-19. Tayo ang magiging panangga ng ating kapwa.

Tayo ang solusyon sa’ting pagtayo bilang isang siyudad. Sa inyong pakikipagtulungan, makakamit din natin ang herd immunity bilang isang #SanFernandoTayo!

RECENT POSTS