TINGNAN: NAKAMIT ANG ISANG LIGTAS AT PAYAPANG PAGGUNITA NG #SEMANASANTA2023 SA CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION DAHIL SA MAIGTING NA PAGPAPATUPAD NG OPLAN SUMVAC.

Walang naitalang malubhang insidente sa loob ng 4 na araw na holiday-break dala ng Mahal na Araw dito sa ating lungsod dahil sa masusing pagsubaybay sa iba’t ibang bahagi ng siyudad partikular na sa mga coastal barangay at by-pass road.
Naisakatuparan ang inisyatibang ito sa pangunguna ng Incident Management Team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at sa epektibong pakikipagtulungan ng Office for Public Safety (OPS), City Health Office (CHO), Barangay Officials and Council, Barangay Health Workers (BHW), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Maritime, Kabalikat, Air Force Reservists, City of San Fernando Lifeguards, at iba pang volunteer groups.
Kasalukuyan pa ring patuloy ang pagsubaybay sa mga baybayin at iba pang bahagi ng lungsod ngayong araw, April 10, 2023. Para sa mga hindi inaasahang pangyayari, tumawag o magtext lamang sa CDRRMO hotlines:



Maraming salamat sa inyong pakikiisa, kakabsat! Ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagiging alerto para sa mas ligtas na #SanFernandoTayo.
















RECENT POSTS
CITY GOVERNMENT TURNS OVER ADDITIONAL PATROL VEHICLES TO RECIPIENT BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT, PALAFOX ASSOCIATES SIGN CONTRACT TO UPDATE CLUP AND ZONING ORDINANCE
CITY GOVERNMENT HOLDS THE FIRST LOCALIZED HANDA PILIPINAS PROGRAM OF THE PHILIPPINES
CITY GOVERNMENT TURNS OVER 42 PATROL VEHICLES TO BARANGAYS IN THE CITY
CITY GOVERNMENT SPEARHEADS EDUCATOR’S SUMMIT, EMPHASIZES PARENTAL ROLE OF TEACHERS